Naduya Kami*
Haixt!!!
hindi ko alam kung dapat akong magpasalamat kasi tapos na ang araw
o
dapat akong magsisi kasi may mga bagay akong hindi nagawa bago matapos ang araw
*** Umaga
Pinanood na namin ang presentationg 3 gabi kong pinagpuyatan. Natutuwa ako kasi marami ang “nakaappreciate”
Ngayon naiipit ako sa sitwasyon. Pinapalipat ako ni Lady sa dati kong upuan para magkakasama kami nina patrick, kaso ayoko ng iwan ang kagrupo ko sa kabila kasi andami kong gustong makasama sa kanila. Basta aukong mamili.
MASYADONG MAHIRAP!!!
***Tanghali
dapat me prakits kami ng choir ngaun. kaso karamihan sa mga choir nasa sta lu para manood ng sayaw ng APHS. kaya pinauwi narin kami ni maam kasi pi-pito lang kaming umattend.
Kaya napagdesisyonan kong sumama na lang na manood ng sayaw ng APHS. nakasabay pa namin si nicol sa dyip. kasama ang girlfriend nyang taga-ginger na kasama din sa naganap ng contest. [an daming langgam].
akala nga namin late na kami kaya iniwan na namin si crystal. nagalit tuloy samin at nd na rin pumunta. kasama kong pumunta dun si k-mee, janine, at jolan.
pagdating namin dun malapit ng magsimula. buti na lang nakakuha pa kami ng upuan at sa gitna pa. Kitang kita ko tuloy yung mga artistang judges at host.
may nakatabi pa nga kaming babaeng walang breeding. i wonder, san kaya sila nag aaral. kung sakali malaking kahihiyan yon sa school nila.
hindi pinalad na manalo ang school namin kasi feeling ko naduya kami ng school na naging champion. para kasing mga college na yung mga yun. ehhh exclusive kasi ang contest para sa mga 4th year student. hmmm aminado rin naman akong hindi ganoon kaganda ang presentationg pinakita nila. sobrang kulang sa time at preparation. kung maaga aga lang siguro sila nasabihan baka maganda pa ng konti yon. nakulangan ako sa pakulo. kilala pa naman tayong mga taga angono for being creativity and full of art tapos ganoinks.
***Gabi
hindi ko pa talaga planong umuwi noon kasi gusto ko pang maglibot. eh kaso gabi na rin at baka pagalitan na ko kaya umuwi na lang ako. ginabi na rin kami pauwi 9 na ata ako nakauwi ng bahay.
Nakakainis lang nubos pera ko.
*here are some picture taken this day.
[click tumbnail to enlarge]





Leave a Reply